Go signal na lamang ang hinihintay ng afp o Armed Forces of the Philippines mula kay Pangulong Rodrigo Duterte upang masimulan na ang kanilang pagpapatrolya at mapping survey sa Benham Rise.
Ayon kay AFP Spokeman Brig. Gen. Restituto Padilla, may kakayahan ang militar na magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise gamit ang mga barko ng Philippine Navy.
Bukod dito, sinabi ni Padilla na ubra ring gamitin ang ilang mga aircraft ng Philippine Air Force na may kakayahan naman na magsagawa ng aerial survey.
Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may namataan na survey ship ng China sa may bahagi ng Benham Rise na siya namang sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
By Meann Tanbio