Gumagawa na ngayon ang mga trainee ng 2nd infantry division ng Philippine Army ng mga face shield para magamit sa pagharap sa hamon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay 2ID Commander Maj/Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr, ang pagbuo ng mga face shield ng may 183 trainees ay bahagi narin ng training para sa mas naka-focus sa values development, pagsasakkripisyo at pakikiisa sa sambayanan sa harap ng matinding hamon ng COVID-19.
Ayon pa sa opisyal ipamamahagi ang mga nagawang face shield ng Philippine Army sa mga medical at security frontliners sa National Capital Region (NCR) at para sa timog katagalugan , nasa 400 ay nakatakdang i-turn over sa mga lgu’s sa baras at Tanay sa Rizal , 500 piraso ng face shield naman ay ipamamahagi sa mga ospital dito sa Metro Manila sa Martes.
Nasa 2,740 sundalo ang ipinakalat para tumulong sa pagbabanatay sa 212 mga quarantine check point laban sa COVID-19.