Nakatutok na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sitwasyong may kaugnayan sa pananalasa ng bagyong Rolly sa bansa.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo ay kasunod ng atas ng kanilang Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa lahat ng units na maging alerto.
Ayon kay Arevalo, handa na ang kanilang mga disaster response units na may kasanayan at mga kagamitan upang makapagsagawa ng search, rescue and retrieval operations.
May umiiral na ring protocols at dedicated units ang AFP ayon kay Arevalo para sa humanitarian assistance at pagtugon sa panahong ito ng kalamidad.
Nakaantabay na rin aniya ang land, air at sea assets ng militar para maghatid ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Rolly lalo’t inaasahan itong maging super typhoon ayon sa PAGASA.