Inatasan na ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng sundalo na paigtingin ang kanilang mga operasyon upang protektahan ang mga sibilyan sa gitna ng plano umanong maglunsad ng pag-atake ng CPP-NPA sa anibersaryo nito sa Disyembre 26.
Ayon kay Philippine Army Spokesman, Lt. Col. Ray Tiongson, inatasan din ang mga sundalo na maging tapat sa kanilang mandato na tiyakin ang kapayapaan at seguridad at pangalagaan ang karapatang pantao at sundin ang batas.
Ini-activate na rin anya ng dalawang bagong military groups na 88th at 89th infantry battalions na i-de-deploy sa Eastern Mindanao Command upang suportahan ang 15th IB at 2nd scout ranger battalion, na kapwa beterano sa pakikipag-laban sa Marawi City.
Una ng napaulat na ikinakasa ng New People’s Army ang pagsalakay sa mga tropa ng gobyerno sa Agusan del Sur at Surigao del Sur bilang selebrasyon ng 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines.