Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tuluyang paghahatid sa huling hantungan sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pareho lamang ang proseso sa lahat ng mga inililibing sa Libingan ng mga Bayani.
Kabilang dito aniya ang pagbibigay ng 21 gun salute sa dating pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana
Protests
Walang marahas na protestang inaasahan ang mga awtoridad sa Libingan ng mga Bayani matapos magdesisyon ang Korte Suprema na tuluyang ihimlay dito ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon ito kay Lorenzana bagamat inaasahan naman nila ang mga pagkilos ng mga grupong tutol sa desisyon ng High Tribunal.
Bahagi ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana
LNMB
Dinoble ang seguridad sa Libingan ng mga Bayani matapos mag-desisyon ang Korte Suprema na ilibing na rito ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasunod na rin ito nang inaasahang mga protesta sa naturang lugar.
Magugunitang itinigil ang mga paghahanda para sa paghihimlay sa dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani matapos ang sunud-sunod na petisyon sa nasabing hakbang na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Judith Larino | Ratsada Balita