Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Colonel Jorry Baclor na nakaantabay na ang pwersa ng kanilang hanay bago pa man makapasok sa bansa ang bagyo.
Handa rin para sa humanitarian assistance at disaster response operations ang Northern Luzon Command, Southern Luzon Command, at Western Command at lahat ng units na nasa ilalim ng kanilang joint operational control.
Naka-deploy na rin ang mga truck at personnel na tutulong sa mga lugar na kasalukuyang nagsasagawa ng mandatory evacuation.
Maging ang kanilang air at naval assets na gagamitin para sa aerial assessment transport, at evacuation operations ay nakahanda na rin.
Nanawagan naman ang AFP sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga otoridad upang maiwasan ang anumang untoward incident. – sa panulat ni Hannh Oledan