Handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para sa pagpapatrolya sa National Capital Region (NCR) ngayong Christmas season.
Ito ay kasunod ng naging pahayag ni AFP chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, hinggil sa Augmentation forces sa PNP sakaling kulangin ang kanilang tauhan ngayong nalalapit na ang pasko.
Matatandaang inihayag ni PNP chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., na mas dadami pa ang bilang ng tao ngayong Ber months kaya dapat na mas palakasin pa ang presensya ng mga pulis sa ilang lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila, Central Luzon, Baguio City, Calabarzon, Cebu, at Davao.
Sinabi pa ni Azurin na noong panahon ni dating PNP chief Ping Lacson, nakagawa ang ahensya ng buddy-buddy system sa pagitan ng PNP at AFP kaya posible itong maibalik sakaling kailanganin.