Handang tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtugis sa mga convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nais maibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay AFP Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, kanilang sinusuportahan anoman ang maging hakbang ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) para mahanap ang mga napalayang bilanggo sa bisa ng GCTA.
Tiniyak din ni Arevalo ang commitment ng militar sa ligtas na komunidad at hustisya alinsunod sa mandato ng AFP.
Una rito, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 15 araw ang mga convict na sumuko para sa re-computation ng kanilang Good Conduct Time Allowance (GCTA).