Hawak na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kustodiya sa mag-asawang dayuhan na una nang inaresto dahil sa umano’y kaugnayan sa Islamic State.
Sina Husayn Al-Dhafiri na mula sa Kuwait at ang buntis na si Rahaf Zina na mula naman sa Syria ay nakakulong sa AFP intelligence service group sa Fort Bonifacio sa Taguig.
Ang mga naturang dayuhan ay una nang itinurn over ng National Bureau of Investigation sa AFP matapos maaresto.
Si Al-Dhafiri ay umano’y bihasa sa paggawa ng mga pampasabog, isang Islamic State middle level leader at kapatid ng nasawi nang isang dating lider ng Islamic State.
Samantala, si Zina naman ay dating asawa ng isang dating second in command leader ng nasabing grupo.
By Judith Estrada-Larino