Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigo itong mabantayan ng 100 porsyento ang galaw ng mga bandidong Abu Sayyaf na nagkukuta sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Kasunod ito ng report ng PNP na may na-monitor itong mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Cebu City at ito umano ay grupo ni ASG Alhabsy Misaya na sinasabing dumaan sa Dapitan City sa Zamboanga del Norte at Negros Oriental bago dumating sa kanilang destinasyon.
Ayon kay AFP PIO Chief Col. Edgard Arevalo, kulang sa mga asset ang militar sa Western Mindanao para i-monitor ng todo ang galaw ng mga bandido na aniya’y humahanap din ng diskarte para makapuslit sa pinaigting na operasyon ng militar laban sa mga ito.
Tiniyak naman ni Arevalo na ginagawa ng militar ang lahat partikular ng Philippine Navy na nagpapatrolya sa mga karagatan para i-monitor ang kilos ng mga bandido.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)