Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi pa rin nila basta gagamitin ang mga fighter jet at rockets laban sa New People’s Army (NPA) kahit ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa mga nabanggit na militar asset.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo, ilalabas lamang nila ang malalakas na gamit at resources kontra NPA kung talagang kailangan.
Pangunahin pa rin aniya nilang ikukonsidera ang kaligtasan ng mga sibilyan na maaring madamay sa all-out war.
Magugunitang idineklara ng Pangulong Duterte ang “all-out war” laban sa mga rebeldeng komunista matapos tambangan at patayin ng mga ito ang 4 na pulis sa Davao del Sur.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal