Hindi na kailangang imbestigahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isyu ng umano’y planong destabilisasyon sa militar.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar matapos kwestyunin kung may imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng destabilisasyon upang makita kung may mga paksyon(faction) sa loob ng AFP.
Ani Aguilar, hindi nila itinaas ang kanilang alert level matapos ang change of command ceremony dahil normal aniya ang lahat sa organisasyon.
Iginiit naman ni Aguilar na wala siyang udeya kung saan nagmula ang destabilization rumors dahil nakatuon aniya ang afp sa misyon nito. – sa ulat mula kay Cely- Ortega Bueno (Patrol 11).