Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tali ang kanilang kamay sa pagtatayo ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) malapit sa mga kampo military.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr., kabilang aniya ang mga kampo militar partikular dito sa Metro Manila sa tinatawag na development areas kaya’t hindi nila maaaring itaboy ang mga ito.
Bagama’t hindi nababahala ang AFP sa pagtatayo ng mga POGO malapit sa mga kampo, sinabi ni Madrigal na hindi rin naman maihihiwalay ang seguridad sa pag-unlad dahil nakikinabang din naman aniya ang gobyerno sa mga POGO na pinatatakbo ng mga Tsino.
Pagtitiyak naman ng AFP Chief, hindi sila mangingiming isailalim din sa surveillance ang mga POGO na malapit sa mga kampo militar sakaling gamitin naman ang mga ito sa pang-iispiya sa Pilipinas.