Itinuturing pa rin ng militar na hilaw ang balita na nakalabas na ng Marawi City ang abu Sayaf Leader at itinuturing na ISIS Emir na si Isnilon Hapilon.
Ito’y ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo makaraang kumpirmahin nito na inabandona na ni Hapilon ang kaniyang mga tauhan na nakikipagbakbakan sa nasabing lungsod.
Kasunod nito, tiniyak ni Arevalo na hindi nila tatantanan ang pagtugis kay Hapilon sakali mang mapatunayan na nakatakas na nga ito ng Marawi.
Sa panig naman ni AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, maituturing pang hilaw ang mga ulat na nakatakas na si Hapilon gayundin ang pagkamatay ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute hangga’t walang matibay na ebidensyang susuporta rito.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
AFP hindi titigil sa pagtugis kay Hapilon kahit makatakas ito was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882