Pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad sa Sulu matapos ang pagkakapatay sa tatlong hinihinalang suicide bombers ng Abu Sayaff Group (ASG).
Ayon kay AFP Western Command Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, ang paghihigpit ay kanilang hakbang para mapigilan ang mga posibleng pagganti ng teroristang grupo.
Dagdag pa nito, maaaring ang mga pag atake ng ASG ay may kaugnayan sa pagkasawi ni Abu Bakr Al Baghdadi na leader ng ISIS.
Sa ngayon ay inatasan na ni Sobejana ang lahat ng joint task force sa ilalaim ng Westmincom na mas higpitan pa ang ipinatutupad na seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar.