Pormal nang hiniling ng Armed Forces of the Philippines o AFP na maisailalim sa kanilang kustodiya si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino.
Ayon sa judge advocate general’s office ng AFP, malalagay sa panganib ang buhay ni Marcelino kapag ikinulong ito sa isang civilian detention facility dahil sa dami ng mga anti-drug operation na kinabilangan nito.
Naniniwala rin mismong si AFP Chief of Staff Lieutenant General Eduardo Año sa integridad ng dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency at sa naimbag nito sa kampanya ng AFP laban sa droga.
Matatandaang sumuko si Marcelino sa AFP tanghali ng Enero 3.
Ito’y matapos atasan ng Department of Justice ang Manila Regional Trial Court Branch 49 na maglabas ng hold departure order laban kina Marcelino at Yan Yi Shou na kapwa isinasangkot sa 380 milyong pisong halaga ng illegal drug trade.
By: Avee Devierte