Tila wala pa ring katiyakan kung hanggang kailan matatapos ang nangyayaring bakbakan sa pagitan ng militar at ng teroristang maute sa Marawi City.
Pero iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng tumagal na lamang ng 10 hanggang 15 araw ang bakbakan sa lungsod.
Ayon kay Lorenzana, ikinunsidera kasi nila noong isang buwan ang kapakanan ng iba pang mga bihag na hawak pa rin ng mga terorista.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Lorenzana na 17 bihag ang nailigtas ng militar mula sa war zone noong Miyerkules.
Samantala, pinayuhan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na pag-aralan kung paano napalaya ang Mosul mula sa mga terorista.
—-