Inihayag ni Army Chief Maj. Gen. Romeo Brawner Jr. na kaniyang ibabalik sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang physical fitness test sa susunod na taon.
Ito ay para matiyak ang physical readiness at maging malusog ang mga sundalo para sa operations and capabilities lalo na sa kanilang mga intelligence-driven operations.
Ayon kay Brawner, malaking tulong ito upang mapagtagumpayan ang laban ng mga sundalo at maabot ang target na mapuksa ang insurgency o paghihimagsik ng mga rebeldeng grupo.
Bukod pa dito, ito din ang magbibigay daan upang makapag-focus ang Philippine Army na tumulong sa Commission on Elections para maging orderly, honest, at credible ang national elections sa May 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero