Iginagalang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Malolos City Regional Trial Court sa kaso nina Retired Major General Jovito Palparan at dalawa pang kasama nito.
Kaugnay ito ng pagdukot at pag-torture sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, hindi nila susuwayin ang kautusan ng hukuman at patuloy nila itong rerespetuhin maging ang rule of law.
Sa ngayon, kanila pa aniyang hinihintay ang kopya ng hatol ng Malolos City RTC.
Samantala, iginagalang din ng AFP ang karapatan ni Palparan at ng kanyang mga kapwa akusado na maghain ng apela sa mataas na hukuman.
(Ulat ni Jaymark Dagala)