Iginiit ng AFP ang lubusang pagtanggap sa mga miyembro ng Maute Group na nais nang sumuko sa pamahalaan.
Kasunod na rin ito ng sampung ektarya na lamang ang lawak nang ginagalawan ng mga terorista sa mag a apat na buwan nang sagupaan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año tanging paalala lamang nila sa mga terorista na magsuot ng “brief” para makuha sila sa war zone.
Layon aniya nang pagpapasuot nila ng brief sa mga susukong terorista na maiwasan ang posibleng suicide bombing na maaaring maglagay sa mga sundalo sa panganib.
Sinasabing 40 hanggang 80 terorista at hostages na lamang ang nasa main battle area sa Marawi City.
SMW: RPE