Inaalam pa ng militar kung kasama sa mga napatay sa patuloy na operasyon sa Marawi City si Dr. Mahmoud Ahmad, ang Malaysian national na di umano’y isa sa mga financier ng Maute group na nagsilbing tulay para kilalanin ng ISIS ang Maute group.
Ayon kay Brigadier General Restituto Padilla, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines o AFP, pursigido silang masukol na rin ang anim pang dayuhang kasabwat ng Maute group na nananatili sa Marawi kasama ng may 20 pa hanggang 30 miyembro ng Maute at halos 20 pang mga bihag.
Tiniyak ni Padilla na hindi nila tatantanan ang mga natitira pang Maute-ISIS sa Marawi sa kabila ng pagdeklara na ng Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City sa kamay ng Maute-ISIS group.
—-