Isa-isa nang tinutukoy ng Intelligence Community ng AFP ang pagkakakilanlan ng mga bandidong Abu Sayyaf na nagbabanta ng karahasan sa panibagong video.
Ayon kay AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla, may ginagawa ng hakbang ang militar para tugusin ang mga bandido na nasa likod ng nasabing video.
Tiniyak ng militar, papapanagutin nila ang teroristang grupong Abu Sayyaf Group sa kanilang kriminal na aktibidad.
Nagpakilalang mga tauhan ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon ang mga nasa video na humarap sa kamera at hindi nagtakip ng mukha.
By: Avee Devierte