Nanawagan ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa publiko na isama ang mga sundalo sa kanilang panalangin.
Ito’y ayon kay AFP Chief of Staff gen. Eduardo Año sa harap na rin ng pagtupad sa tungkulin ng mga sundalo ngayong Semana Santa.
Pagtitiyak ni Año, hindi titigil ang militar sa pagta-trabaho at walang bakasyon para sa mga sundalo ngayong Linggo.
Sa panahong ito kasi aniya mas kailangan ang presensya ng militar upang tiyakin ang kaligtasan ng mga makikiisa sa mga banal na araw na ito.
Bagama’t nananatiling normal pa ang alerto ng AFP sa ngayon habang mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa pambansang pulisya, inaasahang itataas ang alert status nito pagpasok ng Miyerkules o Huwebes Santo.
By: Jaymark Dagala