Aminado ang Armed Forces of the Philippines o AFP na nagkulang sila sa pagbibigay halaga sa nakuhang impormasyon kaya hindi agad naagapan ang terorismo sa Marawi.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, isa sa kanilang natutunan ang nangyaring failure to appreciate intelligence at tiniyak na hindi na ito mauulit.
Paliwanag ni Año, hindi nila agad napagtanto na ang presensiya ng mga Maute terrorist sa Butig at Piagapo, Lanao del Sur ay bahagi na ng plano ng grupo na sakupin ang Marawi City.
Dagdag ni Año, mas naging abala sila noon na tugisin ang mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan, Sulu at Maguindanao.
Gayunman, tiwala si Año na hindi susubukan ng iba pang mga teroristang grupo sa iba pang mga lungsod sa bansa ang ginawa ng Maute terror group sa Marawi City.
(Ulat ni Jonathan Andal)