Inamin ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo na hindi magiging madali ang all-out war ng pamahalaan laban sa NPA dahil kontrolado ng mga ito ang ilang komunidad sa bansa.
Ayon kay Arevalo, kalat-kalat ang mga rebelde at tiyak na mapapasabak ang intelligence gathering ng sandatahang lakas bukod pa sa ground battle.
Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na kailangan nilang pilayin at tuluyang talunin ang NPA sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon at pagbubuhos ng marami pang asset.
Sa pagtaya ng AFP, nasa 3700 ang bilang ng mga miyembro ng NPA sa buong bansa.
Samantala, wala pa, aniya, silang plano na magdagdag ng mga tauhan na lalaban sa NPA.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal