Ipinagpatuloy ng militar ang operasyon laban sa New People’s Army o NPA sa Mindanao.
Ipinabatid ito ni Major Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Unilateral Ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni Balagtey na naglabas na sila ng direktiba sa lahat ng kanilang units na maging alerto at ituloy ang pursuit operations sa NPA.
By: Meann Tanbio