Tiniyak ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang seguridad ng bansa gayundin ang kaligtasan ng bawa’t isang Pilipino.
Kasunod ito ng mga lumulutang na banta ng pagpapabagsak ng mga drug lord at ilang pulitiko kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, mali namang sabihing napa-praning ang gobyerno dahil tungkulin nito na pangalagaan ang bansa mula sa mga nagbabantang sirain ang katahimikan.
PAKINGGAN: Bahagi ng panayam ng DWIZ kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla
Dagdag pa ni Padilla, marami sa mga nagtatangkang pabagsakin ang administrasyon ang gumagamit sa mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf upang sirain ang kredibilidad ng administrasyon.
PAKINGGAN: Tining ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla sa panayam ng DWIZ
By Jaymark Dagala