Nangangailangan ng mahigit limang libong (5,000) bagong sundalo ang Philippine Army.
Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, kinakailangan ito para mabuo ang puwersa ng Hukbong Katihan Bansa at mapunan ang mga nagretiro, nag-resign o nasawing mga sundalo.
Sa kabuuan aniya aabot sa 5,387 bagong sundalo ang kailangang ngayong taon.
Habang bukas din para sa mahigit 4,700 enlisted personnel at 610 opisyal.
Sinabi ni Zagala, kinakailangan ng AFP ang mga sundalong may commitment at selfless service para sa pagtitiyak ng seguridad ng taumbayan at ng bansa.
Apat na paraan naman ang maaaring gawin ng mga nagnanais mag-sundalo kabilang ang pagpasok sa cadet corps ng AFP o admission sa Philippine Military Academy; officer candidate course para sa mga tapos na sa kolehiyo o mga professional tulad ng doktor, nurse at pari na nais maging sundalo.
Gayundin ang officer preparatory course para sa mga ROTC na nagpa- call to active duty at enlistment.
—-