Kinumpirma ng AFP o Armed Forces of the Philippines na sugatan ang si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa isang operasyon ng militar.
Gayunman, sinabi ni Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP na sa ngayon ay wala pa silang kumpirmasyon kung ano na ang estado ni Hapilon.
Ayon kay Padilla, batay sa mga nakuha nilang impormasyon si Hapilon ang kinikilala ngayon ng ISIS at inaasahang mangunguna para pag isahin ang ibat ibang radikal na grupo sa Mindanao.
Tiniyak ni Padilla na tuloy tuloy ang operasyon ng militar para pulpusin ang Abu Sayyaf batay sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pakingan: Pahayag ni Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP sa panayam ng DWIZ
Samantala, tikom pa ang bibig ni Padilla kung ano ang gagawing aksyon ng militar sa mga paaralan sa Mindanao na di umanoy nagbibigay ng radikal at extremismong aralin sa mga tiga Mindanao.
Pakingan: Pahayag ni Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP sa panayam ng DWIZ
By: Len Aguirre