Binubuo na ng Armed Forces of the Philippines ang Executive Order para sa localized peacetalks sa mga miyembro ng NPA o New People’s Army.
Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo sa kabila ng pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na tutol ito sa localized peacetalks.
Giit ni Arevalo, patunay lamang ito na hindi talaga sinsero si Sison sa usapang pangkapayapaan.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pitong kondisyon ang inilatag ng pamahalaan para sa localized peace talks.
Kabilang na rito ang kumpas ng national government na dapat maging “centrally directed” at “locally supervised” ang pag-uusap, dapat base sa prinsipiyong dis-armament ang amnesty package, demobilization, rehabilitation at reintegration sa lipunan.