Kumbinsido ang militar na mayroong koneksyon sa planong pagpapabagsak sa pamahalaan ang Chinese businesswoman at kasamahan nito na naaresto sa Teresa Rizal.
Ayon kay Brigadier General Edgardo Arevalo, Spokesman ng AFP, pinagtitibay nila ngayon ang koneksyon ng negosyanteng si Lily Ong sa mga lider ng NPA na sina Tirso Alcantara at Armando Lazarte.
Sinabi ni Arevalo na batay sa kanilang mga nakuhang impormasyon, malimit na nagkakanlong sa bahay ni Ong ang mga lider ng NPA.
Sa ngayon aniya ay illegal possession of firearms and explosives pa lamang ang naisasampang kaso ng NBI laban kay Ong at kasamahan nito.
Subalit tiniyak ni Arevalo na madadagdagan ang mga kaso ni Ong sa sandaling makumpleto ang kanilang imbestigasyon.
—-