Kasalukuyan nang hinahanap ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang lugar na pinaglibingan sa napatay na Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na napatay ang nailibing agad si Ahmad batay na rin sa kuwento ng isang nakaligtas na bihag.
Kumpiyansa si Año na kabilang si Dr. Ahmad sa 20 pang terorista na napatay ng militar sa maghapon at magdamag na operasyon mula nuong Martes hanggang kahapon.
Magugunitang si Ahmad ang tumatayong financier ng Maute Terror Group na kumubkob sa Marawi City nuong Mayo 23 at sinasabing pumalit sa napatay na ISIS Emir ng Asya na si Isnilon Hapilon na una na ring napatay ng militar kamakailan.