Ipinauubaya na ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa PSG o Presidential Security Group ang pagtiyak sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa harap na rin ng banta sa buhay ng Pangulo mula sa BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na umatake kamakailan sa Pigcawayan, North Cotabato.
Ayon kay Brig/Gen. Gilbert Gapay, commander ng EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command ng army, kumpiyansa silang kaya ng PSG na ingatan at pangalagaan ang seguridad ng Pangulo bilang bahagi ng kanilang mandato.
Magugunitang mismong si Pangulong Duterte na ang umamin na marami siyang kaaway dahil sa mga nasasagasaan nito sa ipinatutupad niyang pagbabago sa bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
AFP kumpiyansang kaya ng PSG na pangalagaan ang Pangulo was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882