Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kakayanin ng Philippine Military na mag survive kahit pa wala ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang naging pahayag ni AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr. kasunod ng pagpapadala ng DFA ng notice of termination sa US embassy.
Ayon kay Santos, suportado nila ang naging desisyon ng Pangulo na ibasura ang VFA.
Nagawa naman ng Pilipinas na mag survive noong wala pa ang bases agreement noong 1991 hanggang 1997 kaya wala naman aniyang magiging problema.
Binigyang diin ni Santos na hindi magiging kawalan ang VFA dahil sapat ang equipments at assets ng AFP para idepensa ang bansa.