Diplomatic policy.
Ito, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dahilan kung bakit hinayaan ng Pilipinas na mauna ang Canada sa pag-anunsyo hinggil sa pagpugot ng Abu Sayyaf sa isang Canadian hostage.
Bahagi rin anila ito ng paggalang ng Pilipinas sa diplomatic relations sa ibang bansa.
Sinasabing pinaiiral ng militar at pulisya ang diplomatic policy kapag may namamatay sa operasyon dito sa Pilipinas.
Aminado naman ang militar at pulisya na hindi naging madali sa kanila na matukoy agad ang pagkakakilanlan ng narekober na pugot na ulo sa Jolo, Sulu noong Lunes ng gabi.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, isa ito sa naging dahilan kung bakit natagalan silang makumpirma sa mga taga-media ang ulat na pinugutan na ng Abu Sayyaf si John Ridsdel, isa sa apat na bihag na dinukot ng mga bandido sa Samal Island.
Sinabi ni Detoyato na kapwa nagsagawa ng verification ang PNP at AFP sa Sulu sa pamamagitan ng mga larawan na kuha mula sa biktimang si Ridsdel.
Nang makupirma aniya nila na si Ridsdel ito, agad nila itong ipinagbigay alam sa Canadian Embassy.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)