Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa SM Foundation Incorporated (SMFI) Wellness Center dahil sa patuloy na pagtulong nito sa kanilang ahensiya sa larangang medikal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Maj. Cenon Pancito, Group commander ng Media & Civil Affairs Group ng Civil Relations Service ng AFP na matagal nang tumutulong ang SMFI sa AFP sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pagamutan.
Lalo pa aniya itong naging matatag ngayon lalo na sa pagtugon sa mga nananawagan ng tulong sa gitna ng pandemya.
Noong nagkaroon po ng COVID kailangan din po namin makipag-ugnayan sa SM Foundation ay talaga naman mabilis lang din kausapin na there is in need. Ang pinupunto ko lang po dito kung ano po ang need ay ‘yung po nasa puso po lagi ni SM, kaya nga po kami wala talagang ibang masabi kundi salamat SM. Sa simula pa lang I just came in V Luna in 2016 pero ang dami na nilang nagawa and up to now ay talagang tumutulong pa rin sila sa amin
Maliban sa pagtulong sa AFP, bukas din ang SMFI sa iba pang mga serbisyo.
Ayon kay Roma Hierro, project supervisor ng SMFI health and medical programs, tumutulong din ang kanilang organisasyon sa pangangalaga sa Felicidad Sy wellness centers.
Ito po ay sa ilalim ng programa namin na “upkeep and maintenance”. Dito po sa programa naming ito binibisita po namin ang aming mga wellness center na nangangailangan ng atensyon at doon po chine-check namin ang mga pangangailangan nila. Tama po na sa upkeep maintenance sa nabangkit po ni doktora na repainting at saka ‘yung mga minor na civil works, also pinapalitan po natin ‘yung mga kagamitan ng kailangan nila na kailangan nang palitan. Ginagawa po ito ng SM Foundation dahil gusto namin masiguro na ang mga wellness centers na aming tinulungan ay patuloy na nagbibigay ng kalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan.