Pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang ugnayan ng bawat isa laban sa mga threat group upang matiyak ang mapayapa at maayos na halalan sa taong ito.
Lumagda sinaNilagdaan nina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, at Coast Guard Deputy Commandant for Operations Vice Admiral Eduardo Fabricante ang Joint Letter Directive (JLD) sa ikalawang command conference kasama ang Commission on Elections (COMELEC) sa Camp Crame, Quezon City.
Pinangunahan ni COMELEC acting Chairperson Socorro Inting ang pulong na dinaluhan din ng mga matataas na opisyal at field unit commanders mula sa AFP, PNP at Coast Guard.
Ayon kay Centino, malinaw aiya ang marching orders ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sandatahang Lakas na tapusin ang communist insurgency bago matapos ang kanyang termino at tiyakin ang pagsasagawa ng ligtas na halalan.
Layunin ng JLD na pahusayin ang ugnayan ng AFP, PNP at Coast Guard sa pagbuo ng mga kaso, pagsiyasat sa krimen, at pag-usig sa mga pinuno, miyembro, at tagasuporta ng threat groups at kanilang mga financer.