Kinukumpirma pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung nagkaroon ng bayaran ng ransom para mapalaya ang apat na Malaysians na binihag ng Abu Sayyaf.
Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na batay sa report na kanilang natanggap, ang apat ay idinaan sa Jolo, Sulu at isinakay sa isang speedboat patungo sa Sabah, Malaysia.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
Naniniwala din si Padilla na malaki ang naitulong ng kanilang walang humpay na operasyon laban sa bandidong grupo, para pakawalan nito ang kanilang mga bihag.
Sa ngayon, mayroon nalang aniyang 7 bihag na hawak ang Abu Sayyaf, kasama dito ang mga kasamahan ni John Risdel na dinukot sa Samal Island.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
Who’s order?
Tiniyak ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na ang utos na kanilang sinusunod ay kay incumbent President Benigno Aquino III.
Kaugnay ito sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga rebelde na mayroong mga hawak na mga bihag.
Ayon kay Padilla, mayroon pa silang standing order na gawin ang lahat upang mailigtas ang mga biktima.
Kahapon ng umaga ay napalaya na ang 4 na Malaysian na binihag ng Abu Sayyaf.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
By Katrina Valle | Ratsada Padilla