Magtatalaga rin ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay bilang ayuda sa PNP o Philippine National Police na namumuno sa pagbibigay ng seguridad sa SONA sa Lunes, Hulyo 24. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, kanila na lamang inaantabayanan kung saan sila ipoposte ng PNP. Aniya, may iba pang nakaantabay na tropa ng militar na magsisilbing back-up sakaling kailanganin pa ng karagdagang ayuda ng pulisya. Giit pa ni Arevalo, walang partikular na banta sa araw ng SONA ng Pangulo maliban sa naunang ulat na planong panggugulo ng NPA sa Davao City. By Krista de Dios | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31) AFP magbibigay ng ayuda sa PNP para sa SONA was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post 40000 sasakyan ng Grab at Uber kolorum—LTFRB next post Pagbagsak ng peace talks ibinabala kung palalawigin ang Martial Law You may also like Pagdiskaril ng isang bagon ng MRT pinagtatakpan... April 23, 2017 Isang doktor na gumaling na sa COVID-19... May 4, 2020 Nationwide alert level system, ipatutupad na simula... November 21, 2021 Mapang-insultong tarpaulin ng mga pulis laban sa... July 7, 2021 Karapatan ng mga bata sa proteksyon, palalakasin... June 25, 2023 Bagong rescue vessel ng Coast Guard nakatakda... July 29, 2016 Finance Sec. Dominguez umapela sa mga local... August 24, 2017 Pamahalaan target pagtuunan ng pansin ang pagbabakuna... November 5, 2021 Poe, nilinaw na wala pang pinal na... July 22, 2015 Pagiging mandatory ng pagsusuot ng face shield... August 6, 2020 Leave a Comment Cancel Reply