Nagpaabot ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagyao ng kanilang dating Chief of Staff na si Retired Gen. Lisandro Abadia sa edad na 83.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Ramon Zagala, bibigyan nila ng nararapat na parangal at pagkilala si Abadiya para sa kaniyang natatanging pamana at sakripisyo.
Nagsilbing AFP Chief of Staff si Abadia sa ilalim ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino nuong 1991 hanggang kay dating Pangulong Fidel Ramos nuong 1994.
Si Abadia ang nagsilbing daan para professionalismo sa hanay ng Militar kung saan niya itinaguyod ang bagong sistema ng promosyon.
Pinamunuan din ni Abadia na miyembro ng Philippine Military Academy o PMA Class of 1962 ang Oplan “Lambat Bitag” na siyang lubhang nagpahina sa pwersa ng mga Komunista sa bansa. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)