Nakatakdang magpadala ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bansang Russia sa susunod na taon.
Ito’y ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ay bahagi ng military exchanges na tinalakay nila ng kanilang counterpart sa nasabing bansa.
Kasalukuyan na aniyang pinag-aaralan ng bagong defense attache ng Pilipinas sa Moscow na si Col. Dennis Pastor ang military courses ng Russian military na maaaring kunin ng mga sundalong Pinoy.
Target ng DND ayon sa kalihim, na makapagpadala ng mga sundalo sa susunod na taon subalit nakadepende pa iyon kung gaano kabilis matuto ng lingguahe ng Russia ang mga ito.