Magpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa New People’s Army sa kabila ng muling pagkakasa ng peace talks hangga’t hindi nagdedeklara ng tigil putukan si Pangulong Rodrigo Duterte
Sinabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año, umabot na sa 110 miyembro ng CPP NPA ang nagapi ng militar simula nang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire laban sa mga rebeldeng komunista noong Pebrero
Dalawampu’t dalawa ang napatay, 15 ang naaresto habang 73 ang napasuko.
Nabawi rin, aniya, ng militar ang 70 armas mula sa mga rebelde.
Ayon kay Año sinasadya nilang ipressure ang mga komunista sa pamamgitan ng kanilang mga pag-atake para bumalik ang mga ito sa usapaing pangkapayapaan at mapagtatanto na walng patutunguhan ang armadong pakikibaka.
By: Avee Devierte