Magbibigay pugay ngayong araw ang lahat ng mga nasa unipormadong hanay para sa kanilang dating Commander in Chief na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ayon kay AFP Spokeman, Marine M/Gen. Edgard Arevalo, alas 10 ngayong umaga ay magsasagawa ng assembly ang lahat mga tauhan sa lahat ng kampo Militar sa bansa mula sa General Headquarters bilang tradisyon sa pormal na pag-aanunsyo sa pagyao ng dating Commander in Chief ng AFP.
Mula sa Kampo Aguinaldo, sabay-sabay isasagawa ang assembly ani Arevalo ang sa iba pang service unit tulad sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Villamor Air Base sa Pasay, Navy Headquarters sa Fort Abad sa Maynila.
Gayundin Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar sa Baguio City, Philippine Merchant Marine Academy sa Port Area sa Maynila at Air Force Flying School na nasa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas.
Kaninang umaga, dumagundong ang mga kanyon sa lahat ng kampo militar sa bansa nang mag-alay ang AFP ng 21 volley of fire o gun salute para sa namayapang dating Pangulo. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)