Magpapadala ang Armed Forces of the Philippines ng medical teams sa mga ospital sa Metro Manila dahil sa kakulangan sa mga personnel bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay AFP Surgeon General Col. Fatima Claire Navarro, magdedeploy ang militar ng dalawang team sa mga ospital na binubuo ng isang military doctor at limang military nurses.
Kabilang umano rito ang St. Luke’s Medical Center na may Memorandum of Agreement na sa Department of Health.
Sinabi pa ni Navarro na ang bawat medical team ay obligadong magpakita ng negatibong COVID-19 result at sasailalim sa 14-day duty na susundan ng 14-day quarantine. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico