Posibleng nagtatago na sa kabundukan ng Davao Oriental ang armadong grupo na dumukot sa isang Filipina at 3 dayuhan mula Samal Island.
Ito’y base sa salaysay ng ilang testigo matapos marekober ang dalawang bangka na ginamit ng mga kidnapper.
Gayunman, nilinaw ni AFP Spokesman, Col. Restituto Padilla na kailangan pang beripikahin ang impormasyon.
“May mga bali-balita po na maaaring nagpalit sila sa kalagitnaan ng dagat, maaaring iba ang ginamit nilang sasakyan kaya itong anggulong ito ay chine-check nang mabuti, meron pong ibang nagre-report na may nakita sila pero vina-validate pa poi to, hindi ko pa po alam at ganap na nakuha ang impormasyon tungkol dito sa mga nagging witnesses na ito.” Pahayag ni Padilla.
Artist sketch ng suspek sa samal kidnapping inilabas na
Samantala, inilabas na ng Philippine National Police o PNP ang artist sketch ng isa sa mga suspek sa pagdukot at pangbibihag sa tatlong dayuhan at isang Pilipina sa Samal Island sa Davao del Norte.
Batay sa report, naglalaro sa 25 hanggang 30 anyos ang edad ng suspek, kayumanggi, katamtamang pangangatawan at may taas na 5’2 hanggang 5’3.
Ayon kay C/Supt. Frederico Dulay, pinuno ng PNP Special Investigation Task Group na nakatoka sa kaso, inilarawan ang suspek ng dalawang Japanese national na nakatakas mula sa mga kidnappers.
Gayunman, umaasa silang hindi pa nakalalayo ng Davao Gulf ang mga suspek makaraang matagpuan ng Philippine Navy ang pump boat na ginamit sa pangingidnap.
By Drew Nacino | Kasangga Mo Ang Langit