Isinusulong ng mga senador na madaliin na ang aircraft modernization sa Armed Forces of The Philippines (AFP).
Ito’y kasunod ng malagim na pagbagsak ng C-130 plane ng Air Force sa Sulu noong Linggo na ikinasawi ng 53.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dapat mahinto na ang pagbubuwis ng buhay ng mga sundalo dahil sa mga luma at dispalinghado nang kagamitan.
Isinulong naman ni Sen. Richard Hordon na dapat ay bumili na ng mga bagong C-130 plane ang Pilipinas upang hindi na maulit pa ang malagim na trahedya.