Hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang kasalukuyang estado ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y ayon kay Parañaque City Rep. Joy Tambunting ay kasunod ng malagim na pagbagsak ng C-130 Hercules aircraft ng Philippine Air Force sa Sulu na ikinasawi ng 52 sundalo at sibilyan.
Ayon kay Tambunting, kailangang matiyak na dumaraan sa mabusising pamamaraan ang pagbili ng pamahalaan ng mga kagamitan para sa AFP upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na insidente.
Giit pa ng mambabatas, hindi lamang ito ang unang beses na may nadisgrasyang air asset ng AFP dahil magugunita na may ilang naitalang air crash sa Capas sa Tarlac, Getafe, Bohol gayundin sa Impasugong sa Bukidnon.