Muling iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hernando Iriberri na hindi mababali ang ‘no ransom policy’ na pinaiiral ng pamahalaan.
Ginawa ni Irriberi ang pahayag kasunod ng umano’y pagdukot ng Abu Sayyaf Group o ASG sa 10 tripulante ng isang Indonesian vessel sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Sabado.
Ayon sa opisyal, hindi titigil sa mga ginagawang criminal activities ang Abu Sayyaf kung ibibigay ang lahat ng kanilang hihilingin.
Hinikayat din ni Iriberri ang mga kaanak ng mga biktima na hangga’t maaari ay huwag magbayad ng ransom dahil ginagawa naman ng AFP ang lahat para mailigtas ang mga bihag.
Una nang napaulat na nakipag-ugnayan na diumano ang Abu Sayyaf sa ilang kamag-anak ng mga biktima at humihingi ng 50 milyong dolyar kapalit ng kalayaan ng mga ito.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal