Itinaboy ng China ang mga eroplano ng AFP sa West Philippine Sea.
Ibinunyag ni Lt. Col. Bill Pasia ng Western command na limang beses itinaboy ng China ang mga eroplano ng AFP sa kanilang Chinese outpost sa WPS, gamit ang pyrotechnics signals o flare warnings sa mga intelligence, surveillance and reconnaisance team.
Ang mga flare aniya ay galing sa outpost ng Chigua, Calderon, Burgos at Mabini.
Sinabi ni Pasia na nakatanggap din sila ng mahigit 200 radio warnings mula sa China habang nagpapatrolya sila sa WPS.