Nag-sorry ang AFP o Armed Forces of the Philippines dahil sa tumatagal na bakbakan sa Marawi City.
Sinabi ni PIO Chief Col. Edgard Arevalo na maging ang mga sundalo ay nalulungkot dahil marami ang naapektuhang residente ng lungsod.
Ayon kay Arevalo, hindi naman nila uubrang madaliing tapusin ang pakikipagsagupaan sa Maute group dahil maraming dapat ikunsidera dito.
Inihayag ni Arevalo na ginagamit ng mga kaaway ang mga sibilyan bilang human shields at para walang masyadong collateral damage ay kailangan din nilang maging maingat sa operasyon para protektahan ang mga naiipit na sibilyan sa Marawi City.
Subalit binigyang diin ni Arevalo na kaagad matatapos ang giyera sa Marawi at nasa huling yugto na sila ng kanilang clearing operations.
BIFF attack
Samantala, malabong kumalat o mag-spill over ang problema sa Mindanao sa ibang bahagi ng bansa.
Binigyang diin ito muli sa DWIZ ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla matapos ang pag-atake ng BIFF sa Pigcawayan, North Cotabato.
Sinabi ni Padilla na matagal nang ginagawa ng BIFF ang mga pag-atake at wala namang ipinaglalabang positibo ang nasabing grupo.
ByJudith Larino | with report from Jonathan Andal (Patrol 31 | Karambola (Interview)
AFP nag-sorry sa napatagal na pagbawi sa Marawi was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882